Tuesday, June 12, 2012

Taghiyawat Sa Ilong

Olivia_play_tnk

Hinding hindi ko pinangarap na basta basta nalang akong lawayan ng kung sino man. Palagay ko wala naman sa atin may gustong malawayan diba? Pano pa pag pinahiran ka talaga ng laway?

Ayan ang nangyayari sa akin ngayon.

Sa ilang linggong nakakaraan, dalawang beses na akong tinamaan ng masakit na taghiyawat sa ilong. Bakit? Pahiran ka ba naman ng basang basang laway sa ilong dahil kinakapa ng anak mo yung mukha mo. Ayan po mga kaibigan ang isa pa sa inyong mararanasan kapag may anak na kayo. 

Papahiran kayo sa ilong, sa mukha, sa pisngi, sa braso, at minsan... minsan lang naman... tutuluan nalang kayo habang karga nyo sya :)

Syempre sa saya ng laro nyo, makakaligtaan maalala na nabasa pala yung ilong nyo ng laway. Ayan at sadya nalang matutuyo tapos hintayin nyo lang at babalik ang mga alaala nyo noong highschool pa kayo nung tinubuan kayo ng taghiyawat sa ilong.

Ganyan kasaya ang may sanggol sa bahay.

Siya lang ang may "K" mampahid ng laway sa mukha ko.

:)

No comments:

Post a Comment